Tuesday, February 19, 2008

Bringing Home Work...!

Panggising para sa isang maantok na hapon

(excuse the vulgar language…)

 

 

Pangkaraniwan na sa mga empleyado ang mag-uwi ng trabaho sa bahay…

na kadalasang pinag-aawayan ng mga mag-asawa. Maghapon ka na ngang wala,

pag-uwi mo wala ka pa ring panahon sa ‘min ng mga anak mo… Yan ang

kadalasang linya ng partner mo. Oo nga naman, dapat balanse lang ang

buhay… me panahon sa trabaho at me panahon sa mga mahal sa buhay.

Yan ang dapat nating sanayin… balanseng buhay para sa masayang

pagsasama!

 

Naalala ko tuloy ang kapit-bahay ko. Tahimik lang sila… masaya, at

palagi kong naririnig na nagtatawanan. Nguni't isang araw nagulat ako

sa aking narinig… iyakan ng mga bata, galit na galit na nanay.

“Walanghiya ka bakit ka nag-uwi ng trabaho dito!” “Pasensya na mahal,

ang daming trabaho baka di ko matapos e kailangang mai-deliver na agad mga ‘to.”

Sa loob loob ko, minsan lang naman ‘ata nag-uwi ng trabaho di pa pinagbigyan.

 

Tuloy pa rin ang sigawan, iyakan… lubos na akong nabahala kaya

kinatok ko sila. “Pare, pare, okay lang ba kayo dyan?” Binuksan ng babae

ang pinto at galit na galit nagsumbong sa kin… “Hay naku pare,

‘tangna tong pare mo nag-uwi ng trabaho dito sa bahay.” Sabi ko,

“intindihin mo na mare, minsan lang naman ata ginawa e, baka sobrang

dami lang talaga ng trabaho nya ngayon at me deadline.”

 

Galit na galit ang babae na sinagot ako… “Ay tangna pare, alam mo

bang embalsamador ang asawa ko?”

No comments: